Almost Grasped, But Not Quite


INSOMNIAC
July 21, 2005, 5:49 pm
Filed under: Uncategorized

I’m currently pretending that I’m busy (like my high school friends who are doing the same). I don’t know, I think I’m fighting a losing battle with them. Anyway, i don’t want to elaborate. It has been a four-year confusion of being friends and not being friends with them. And I’m seriously thinking of stopping. Stopping what? That, i’m not really sure of. Gotta think some more. ::sigh::

It’s nearly morning. I dunno, I’m probably an insomniac now. Too much coffee? Nah. The one I sipped nine hours ago was the first one I had this week. Seriously, i don’t know what I’m thinking about. *racking my brains some more* I think i rested my brain too much. (Courtesy of something uncertain, which as of the moment, I’m afraid I can’t divulge. In due time, ladies and gentlemen, in due time…)

At dahil I can’t force myself to sleep (I have since forgotten to use the counting sheep method since I graduated high school), I’m going to write na lang what happened to my so-called life kanina (somebody please remind me again of the real meaning of ‘life’!!!)…

I saw Gian hours and hours ago. As usual, he’s so talkative telling us about this girl which he hates to the bones (Actually I’m kind of expecting this story from him na eh… Magtataka siguro ako kung hindi ako makarinig ng away issue from him. Hehe. Btw, i already read that girl’s blog, and true enough, this girl is so full of herself! Such a loser! Tsk.Tsk.) and his magnificent answer to a question thrown at him (Mind you, bagay sa kanya yung question…) about the socio-political implication of the Kris Aquino-James Yap’s relationship. Uh, excuse me… is there any?! Yeah, you shouldn’t have tried answering that question with a dignified answer. Gian, you should have answered what you thought first about that issue… (If I may quote you…’Eh puta! Wala naman talaga!’ Right, Gian?! Hahaha!)

Anj had her interview sa Unilever. Well, sosyalera ang lola mo eh. Haha! I should have called her to ask what happened with it but there was a short line to the internet in our house and so I have to put hold my call and when i remembered, it was already 1 in the morning. And I’m damn sure, she’s already sound asleep. I also forgot turning my cp on it’s loud profile so I read her text message too late. Anyway, I’ll call her before I head to divisoria a little later…

I told Candice not to wear something blue because I was wearing a solid blue spandex kanina. (Masyado kasi kaming magkakawave length ng mga taong ito eh that sometimes… no, most of the times, we end up with the same color of shirts!) Well, she turned up wearing a very colorful blouse. in fairness, lahat ng color nandun… maliban sa blue. (Comment ni Pao: Mukha kang M&Ms!) Iba ka talaga, Candice! ::wink,wink::

And Paolo’s off to see someone. Hay, I can’t say who or else… hehe! Wala na talagang ‘lalake’ sa mundo ngayon noh?! And Paolo’s complaining about being fat and his ‘belly’ growing. To which Candice promptly said, "Eh di wag kang huminga!" Girl, bilib na talaga ako sa’yo! Ginagawa rin daw n’ya kasi yon. (Zombie ba ang mga kasama ko?! Haha!) Salamat sa fare, Pao! (Next paycheck, sana treat mo naman kami sa dinner. Hehe.)

Okay, gotta get out of this blogging thingy. I’m getting addicted.



EHERM, EHERM…
July 15, 2005, 7:53 pm
Filed under: Uncategorized

PAUNAWA: Ang mga nasusulat dito ay opinyon ko lang naman. Hindi ko hinihingi ang mga opinyon n’yo. Kung gusto n’yong maglahad ng sarili n’yong opinyon, aba! sa sarili n’yong blog isulat ano! kaya nga nandyan yan eh! (taray ba?! hehe.) Alam kong marami ng mga naisusulat tungkol sa topic na’to pero pasensya na, hindi ko lang mapigil eh. Nanggigigil na ako!

***
Noon, akala ko mapapanindigan ko ang pagiging ‘nationalistic’. Yung tipong never akong mahihikayat na pumunta ng ibang bansa kasi nga magpapakamatay ako para sa Pilipinas. Kaya nga hindi ako nag-Nursing kasi feeling ko, maeengganyo lang ako na lumayas ng Pilipinas kasi in demand ang mga nurses sa US at Europe. Eh bakit pa ako nagpakahirap sa Journalism na hindi naman in demand?! (Maliban pa sa mga sinasabi ng iba naming prof na ‘walang pera’ sa journ! Grabe, ang supportive nila ano?!) Kasi nga akala ko, habang buhay akong maglilingkod sa aking Inang Bayan. Ngayon, na-realize ko na si Candice lang ang taong gustong mag-alay ng kanyang buong buhay para sa Inang Bayan (Hala! barilin na ang babaeng yan sa Luneta. Pagiipunan ko ang pampatayo ng monumento mo. Promise! Hehe!).

Hindi ba nakakainis manood ng balita? Lalo na ngayon. Kaya nga ako, hindi nanonood. (Sabi ko naman sa inyo, nadaan ko nga lang yata sa tsamba ang pagiging honor student ko sa UST eh.) Eh kung araw-araw na ‘people power’ ba naman ang bubungad sa’yo eh! Pupungas-pungas pa lang ako, ‘Oust Gloria!’ na agad ang breakfast ko. Sa lunch naman, comedy show sa kongreso, tapos dinner eh uwian ng mga raliyista sa Makati. In between pa no’n ang mga merienda ng ‘Resign GMA’, ‘Resign Noli’, at ‘Calls for Parliamentary Government at Charter Change’.Pwede ba, tigilan ako!

Don’t get me wrong. Hindi ako maka-Gloria. Actually, wala akong bilib sa mga politiko ng bansang ‘to. kaya lang, no choice eh. Kung hindi ka maniniwala at magtitiwala sa kanila, kanino mo pa maibibigay yon? (Fine, pwede sa sarili mo pero presidente ka ba ng Pilipinas? Vice-president? Senator? Congressman? Wish mo lang!) Pero Kung sa akin lang, parang hindi ko na papangarapin na maging bahagi ng gobyerno eh. Mas bad image pa yon kesa sa pagiging ‘mean girl’ ko sa classroom eh! Tipong kahit na ang pagiging barangay captain na lang eh magiging mantsa lang sa pagkatao ko. (Well, wala naman po akong political aspirations talaga, nasabi ko lang. Pero kunsabagay, huwag n’yong gayahin ang idea kong yan kasi sa mga kabataan ngayon manggagaling ang mga future leaders. Sana new breed nga lang. Wag ng trapo. Please lang.) O, sumegwey lang ako pero back to the issue… Ano nga ba ang course para maging presidente ng Pilipinas? (Tolits, sagot!) Ano nga ba ang dapat na ginagawa ng presidente? (Tolits: Eh di nagbubura ng kalawang!)

Sige, kahit nakakarindi, pag-usapan natin yang tungkol kay Gloria. Sabihin na nating nandaya siya… o ngayon?! Ano ba ang ipinagpuputok ng butse ng oposisyon na yan ha?! Alam ko na, siguro naiinis sila kasi mas magaling mandaya ang kampo ni Gloria kesa sa kanila. Hindi nila ma-gets kung paano sila naisahan ng administrasyon sa hobby na na-perfect na nila! Eh kasi naman, fine, may Gloriagate CD… katibayan daw na nandaya si Gloria. It just so happened na si Gloria lang yung na-wiretap! Bakit, sigurado ba tayo na si Gloria lang ang tumawag kay Garci?! Malay ba natin kung tumawag din ang kampo ni FPJ, ni Ping, ni Roco, o ni Villanueva sa kung sinumang nasa COMELEC?! Nakakainis lang na nagmamalinis silang lahat samantalang alam naman ng taong-bayan ang totoo (well, hindi man lahat eh may mga nakakaalam din naman).
***
Isipin n’yo na lang yang eksenang yan… ilipat daw ang EDSA people power, this time sa Makati… aba! Tinawag mo pang EDSA kung hindi naman sa EDSA! Eh hindi na EDSA 4 yan! Makati 1! (huh?!) Ewan ko lang pero parang paradox o irony eh. Makati=upper class, sosyal, business district. Tapos yung nagrarally are people claiming na ‘masa’ sila. Ang masa sa Makati?! Na-gets mo?! Ang labo! Bakit hindi na lang nila sabihin na kaya sa Makati magrarally eh kasi si mayor Binay, isa siya sa mga lider ng oposisyon at may kakayahan siyang magpamudmod ng pagkain sa lahat ng mga makiki-rally?! (Naman! kailangan pa bang i-memorize yan?!) Uhm, hindi ba pwedeng sa Manila (sige try n’yo lang kay Mayor Atienza! Hehe!)?!

Tanong ko lang ano, palabas ba yung mga rally sa Makati?! Para kasing shooting ng pelikula eh. Hindi ko ma-gets kung ano bang pinaggagagawa ng mga artista don. Swear! I mean, ginagamit lang ba nila ang pagiging celebrity  nila para manghikayat ng mga tao? O yung rally ang ginagamit nila para madagdagan ang kanilang mga fans?! Baka naman kalahati ng mga nasa rally na yon eh fans nina Goma, FPJ, Susan Roces, Rex Cortez (?!?) etc. Tapos yung kalahati eh mga vendors at miron. Yung mga tao naman don eh yung mga taong laging may reklamo sa kalye. Reklamo ng reklamo! Kelan kaya sila masasatisfy?! Umulan at umaraw, andun sila lagi. Hala! Ipaglaban ang dapat na ipaglaban! Pagiging patriotic at nationalistic ba ‘to? Hindi naman masama mag-rally eh. Karapatan yon. Pero sana naman, huwag nilang ubusin ang oras nila sa kararally lang. Sa palagay ba nila eh uunlad ang buhay nila? (Baka yung mga tindera ng luya, pintura at tela lang ang pinayayaman nila n’yan eh! Makapagtinda nga ng mga accessories for rallying! Baka maging milyonarya ako!)
***
Masa, masa, masa. Bakit ba hindi ko natanong noong nagaaral pa ako ang tunay na kahulugan ng ‘masa’? Ako, ‘masa’ ba ako? Ang konsepto naman kasi ng ‘masa’ sa Pilipinas eh ‘mahihirap’. (Pauso lang kaya ito ni Erap?!) Pag sinabing ‘masa’, sila yung mga nakatira sa squatters. Ang mga taong pasan ang daigdig sa kanilang mga balikat. (Eh kung ganito ang definition ng ‘masa’, dapat ‘masa’ din ang pangulo ng Pilipinas kasi pasan n’ya sa kanyang balikat ang ‘Pilipinas’! Isipin n’yo na lang kung ga’no kabigat yon! Araw-araw kaya siyang umiinom ng Stresstabs?!) Hindi ko na siguro kailangang i-elaborate pa ang ‘masa’, the Filipino concept. Alam n’yo na yon.

Tama nga yung nagsulat ng ‘masa na lang ba lagi?!’ Ano nga ba ang nagawa ng ‘masa’ for the Philippines?! I really feel bad kasi ilang taon na ang papa ko sa Saudi at isa siya sa mga taong bumubuhay ng bansang ito kasama ng iba pang mga OFWs and the local employees and workers. Pero kanino ba laging naka-focus ang mga programs ng gobyerno?! Sa mga mahihirap di ba?! Define ‘mahihirap’. Yung squatters? Yung pulubi? Ang kahirapan, hindi naman laging ‘ipinanganak kasi akong mahirap’ di ba? Choice na rin yan eh. Oo nga, ipinanganak kang mahirap pero papayag ka na lang ba na habang-buhay maging mahirap? Lagi na lang palamunin ng lipunan? Kung minsan kasi, sila na nga yung gustong tulungan, sila pa yung mga pasaway. Ewan ko ba… Iba talaga ang mga Pilipino. (Share ko lang, tuwing naririnig ng papa ko na silang mga OFWs daw ang mga ‘bagong bayani’, lagi siyang natatawa tapos iiling-iling. Hindi naman na siguro kailangan pang tanungin kung bakit di ba?!)

No offense meant pero ano ba talaga ang gustong gawin ng mga nagrarally sa Makati?! Sige, paalisin natin si Gloria. Tapos, paalisin din natin si Noli. Tapos, paalisin din natin si Drilon. Tapos si De Venecia naman! Tapos?! Ano ba ‘to?! Laro?! Sino ba ang gusto nilang ipalit sa mga yan?!

Si FPJ?! Earth calling FPJ! Si Susan Roces?! (Magmimigrate na ako sa US! Now na!) Napanganga  talaga ako sa sinabi nung isang babaeng ininterview sa tv. Sabi n’ya, "Gusto ko na si Susan Roces ang maging presidente kasi siya ay caring na ina at butihing asawa… etc." Gusto ko tuloy tanungin, "Heller?! Yung nanay ko eh caring at mabuting asawa rin, pwede bang siya na lang ang maging pangulo?!" Kayo, caring at loving ba ang mga nanay n’yo… i-nominate na sila as president of the Philippines! Nomination starts now. (Eh di instant first daughter/son din kayo! Astig!) Tapos susundan pa ng mga ‘pahayag’ ni Erap na kung gugustuhin daw ng mga Pilipino na siya ang maging presidente uli eh why not?! Tanong lang, mageend of the world na ba at nauubos na ang mga taong pagpipilian?! Ano tayo, bale?! tanga?! Isinuka na natin tapos isusubo uli?! Nyek. (Sana hindi mabasa ng lolo ko ang pinagsusulat kong ito dahil unfortunately, die hard ERAP fan yon eh. Ewan ko ba. Kapag siya na ang dumepensa kay Erap, quiet na lang kami sa bahay kasi kung matigas ang ulo namin, mas tumitigas ang ulo niya pagdating kay ERAP! Eh sige, pagbigyan na since hindi naman kami nakikinig sa mga litanya n’ya about Erap’s good deeds. Gano’n lang talaga siya, mahilig sa fiction. Hehe.)

Hindi naman si Gloria (at hindi rin si FPJ!!!) ang ibinoto ko noong nakaraang election eh kaya feeling ko eh mas may karapatan yata akong sabihin na, "Ay nako, buti nga! Kung bakit ba naman kasi siya ang ibinoto n’yo!" Baka nga yung ibang nagrarally ngayon eh si Gloria ang ibinoto nung last election eh. Maliban sa mga kapalpakan niya bilang pangulo eh palpak din siya sa pagpili ng asawa. (Nako, sabi ko na nga ba, kapag matalino ka sa academics eh tanga ka sa pag-ibig. Matatakot na ba ako?! Harhar!) Panira kasi sa kanya si Mike at ang anak niyang si Mikey (Sana ang unang pangaral niya kay Mikey bilang ina eh ‘Anak, tigilan mo na ang showbiz. Parang awa mo na. Sige, mag-jueteng ka na lang. Hehe. Joke! Kasi naman Tita Glo, dapat binubura mo yang kalawang sa damit ng anak mo! Tingnan mo yung nanay ni Tolits! ;).

Sa wari ko, plastic si Gloria nung nag’I'm sorry’ siya sa t.v. Siguro konting make-up pa at konting tips mula sa isang magaling na direktor eh papasa na siya (sino ba naman kasi ang pakialamero/a na nagsabi sa kanya na gano’n ang paawa effect na facial expression?!). Since antagal bago n’ya inamin na siya yung nasa CD, aba! sana man lang ginamit na rin niya yung time na yon para makapagpractice ng maigi. Dapat nag-workshop muna siya. Kagaya rin ni Soliman and the rest of the Hyatt people. Nautakan sila ni Gloria eh. Biruin mong maunahan sila ng call for resignation! Tsk. Tsk. Nagmukha tuloy silang mga traydor (Right Kel?!). Sayang sila. Ewan ko ba, gusto ko lang tanungin kay Soliman ano, bakit ngayon ka lang magsasalita against Gloria kung noon ka pa nagtratrabaho for her?! Close sila di ba?! Ano yon, all this time eh plinaplastic lang nya si Gloria?! At yang mga ibang secretaries… since sinasabi nilang bulok ang gobyerno ni Gloria… excuse me lang ano, eh di ba bahagi kayo ng administrasyon na yan?! And since you’ve worked for her administration for the past years, eh di nag-contribute din kayo sa kabulukang yan! Aysus! Pwede ba, sana naman by this time eh tigilan na ang paghuhugas-kamay! Tagal na since the time of Poncius Pilate ano! (Well sabagay, nagkalat pa rin nga naman ang mga Hudas nowadays!)

(May ibang kasunod pa ‘to eh kaya lang nakalimutan ko na kaya ieending ko na muna. Ipagpapatuloy ko na lang kung mahipan uli ako ng hangin! ;)

Ngayon, halos lahat ng Pilipino eh igragrab na ang oppurtunity para lang makaalis ng Pilipinas. At hindi ako magpapakaplastic sabihin na hindi ko gustong mag-abroad. Kung minsan kasi, naiisip ko na bakit ko nga ba naman iisipin ang bansang ‘to samantalang pamilya ko nga eh naghihirap na. Pwede bang kung hindi man ang sarili ko, eh ang pamilya ko muna ang unahin ko?!? Selfish  na ba ako ng lagay na yan? Pero don’t worry, hindi naman ako gano’n kadesperada. Kung okay naman ang lagay namin dito sa Pilipinas eh hindi ko naman aasamin na magpunta sa ibang bansa para doon tumira (uhm, pwede na yung mag-vacation sa US once in a while… hehe, kapal!).
***

Nakakapagod magsulat about politics ano?! (Ay, politics pala yung topic ko! Akalain mo yon! Akala ko kasi gumagawa ako ng script sa isang comedy show o excerpt contribution sa libro ni Bob Ong. Harhar!) Anyway, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa (besides, pag-asa na lang ang meron sa atin eh… at sense of humor pala!). Kasi sabi nga nila, ang nasa pinakababa na, wala nang patutunguhan pa kundi ang itaas. So I am still kindda hoping na after nating bumaba ay tumaas na tayo. (Spaghetti ba tayo?! Haha!) Yun nga lang, ano kaya yung pinakamababang sitwasyon na kahihinatnan ng Pilipinas bago umakyat nang muli? Yung tipong ‘todo lugmok’ na? Hihintayin pa ba natin yon bago matauhan na, "Hello Philippines?! Napag-iwanan na kayo ng lahat ng mga bansa sa mundo! Anong petsa naaahhhh!!!!!"



LINES, LINES…
July 10, 2005, 3:30 am
Filed under: Uncategorized

From The Bridges of Madison County (Robert James Waller)

The old dreams were good dreams; they didn’t work out but I’m glad I had them.

I am the highway and a peregrine and all the sails that ever went to sea.

He gave me a lifetime, a universe, and made the separate parts of me into a whole.

In a universe of ambiguity, this kind of certainty comes only once, and never again, no matter how many lifetimes you live.

In the crack where illusion meets reality, that’s where you are, outthere on the road and the road is you.

From Love is A Great Thing (Thomas A. Kemphis)

Love feels no burden, thinks nothing of trouble, attempts what is above its strength, pleads no excuse of impossibility… Love is active and sincere, courageous, patient, fruitful, prudent, and manly.

From A Natural History of Love (Diane Ackerman)

In a certain frame of mind - that of a devoted paramour - all of life is erotic. To love the world with the eyes, one uses them as hands; to love the world with ideas, one uses them as eyes.

From Gabriel Garcia Marquez

My God, if I had a heart, I would write my hate on ice, and wait for the sun to show. Over the stars I would paint with a Van Gogh, dream a Benedetti poem, a Serrat song would be the serenade I’d offer to the moon.
With my tears, I would water roses, to feel the pain of their thorns and the red kiss of their petals.

I would teach the old that death does not come with old age but with forgetting… I have learned that everyone wants to live on the peak of the mountain, without knowing that real happiness is in how it is scaled.