Filed under: Uncategorized
EHEM… BREAKING MY SILENCE.
(Kelan naman kaya ako tumahimik?!?)
Right. Yan
ako ngayon. Tambay sa bahay. O sige na fine… isa akong bum. No work,
no job. Teka lang, bago n’yo ako husgahan ano at magcomment ng ‘ano ba
namang klaseng magna cum laude ang babaeng ito at walang trabaho?!?’…
may rason po ako. ano yon aber? Well, ayokong sabihin at hindi n’yo ako
mapipilit. Hahaha! (Wala na lang munang pakialaman ng buhay.) Sa mga
gusto namang magcomment dyan, hala, eh di go.
Pero since may
blog, gusto ko lang magsulat. Baka kasi sabihin ng mga iba dyan eh
nawawaldas ang aking pinag-aralan dahil hindi nga naman ako
nagtratrabaho. Anyway, yeah, nakakatamad nga ang nasa bahay lang pero
as much as i want to look for a job and all eh hindi pa pwede.
Nakakainis nga eh. Tama bang buruin ang sarili sa bahay?!?
So,
habang wala akong work, sinusuyod ko muna ang mga iba’t ibang lugar.
Ang paborito namin nina Anj at Candice ngayon na puntahan ay ang
Divisoria particularly sa 168 Mall (na by the way ay malakas ang aircon
in fairness) at ang Tutuban Mall (na nakakalokang ikutin). At dahil
madalas na ako ngayon sa lugar na ‘to, parang nagiging street smart na
ako (gaya ni Candice. Chos!). Sa totoo lang, nanghihinayang na nga yata
ako ngayong bumili sa mall kasi yung ibang nakikita ko eh nakikita ko
naman sa Divi. Lower prices pa. Yung quality, well, okay naman. For
clothes na I won’t be wearing for the rest of my life, okay na sa akin
yon. Besides, hindi naman ako mapili when it comes to things. Pakialam
ko ba sa mga brands na yan?! (Although hindi ako bumibili ng mga things
na may tatak ng foreign/local labels. Fake na fake ang dating eh.
Halatang-halata.) Basta cute at sa tingin ko (at sa tingin ni Anj…
sori, kailangan ko ng second opinion eh!) eh bagay sa akin, okay na yon.
Oo
nga pala, unlike ordinary bums, hindi naman ako nagpapataba na lang
ano. Ayon nga kay Kel at Paolo, pumayat daw ako. (Mga kaibigan ko
talaga ‘tong mga ito. Hehe!) Siyempre mas pinaniwalaan ko daw sila.
Hehe! Siyempre, lalake eh. (Si Kel lang pala. Peace Pao!) talaga nga
sigurong nakakapayat ang hindi na palagiang makasama ang mga college
friends ko. Nakakamiss magbonding over food tsaka yung mga breaks na
laging sa pagkain iginugugol. Hay… Masaya grumaduate, pero nakakamiss
pumasok. Walang baon. Haha!
Kaya si Kel ay nagkakaroon ng
hallucination na nasa jrn2 pa rin siya dahil nakakakita siya ng mga
clones at copycats ng mga kaklase at batchmates namin sa kanyang
workplace. Haha! We’re haunting you! At least, ikaw na ang goddess
ngayon dyan. (este god pala. hehe! maupo daw ba sa trono ko?! hehe!) At
dahil kina-career niya ang kanyang first job, naisip niyang hindi na
raw siya mag-aasawa. Mukhang tinatawag na raw siya sa state of single
blessedness. Ang payo naman namin ay gayahin niya si Candice na iaalay
ang buhay para sa Inang Bayan. (Go, Candice!) Si Anj naman ay may ibang
kinacareer. Nako, quiet na lang ako dahil baka magwalk out na naman
siya. Haha! Peace! Kamusta naman ang dokyu natin ha?! Hehe. (See? Sabi
ko na nga ba, kailangan nating maghiwa-hiwalay para pumayat tayo. Urm,
segway lang ‘to.) Heller Ivee?! Ay nako, ang magandang binibining ito
ay nagtratrabaho na pala somewhere in Makati. Dapat manlibre ang mga
dapat manlibre pag suweldo na ha?! Hehe.
Para sa mga former jrn2
dyan, kamusta naman? Yung mga iba eh Law na ang inaatupag. Nako, totoo
ba ito?! Oi Mitch, tamang-tama ah. Astigan mo pa sa Law School ha!
Bagay na bagay sa’yo since mahilig ka namang magtanggol ng mga pipz! O
dabah?! Hehe! Kay Merryl naman, kaya mo yan. Kinaya mo ang Journ for
four years di ba?! Marami rin tutulong sa’yo dyan. Para sa iba pang
nag-Law like Josef, Jessica etc… good luck po. Sana ay maka-avail
kami ng free services n’yo pagdating ng araw. Hehe! (Although wala
naman akong balak magka’kaso’ ano!)
Tingnan mo nga naman ang
nagagawa ng walang magawa (huh?!). Ito na yata ang pinakamahabang blog
ko ever. Oh well, masaya kasi magsulat ng ‘wala lang’.
Sa mga
taong maghahanap sa akin ano, nasa province lang po ako (uwi muna ako).
Ano ang gagawin ko don?! Well, balak kong galugarin ang probinsya ko.
Akalain mong marami pala akong hindi pa napupuntahang lugar doon to
think na I’ve lived my past 15 years in life there (and some months in
between). Aba, time to explore na noh habang marami pa akong free time.
Nature tripping ito.
So, mga ilang araw ko kayang hindi mache-check ang friendster? Hmmm…
Oh well, la na akong maisulat pa.


